Sunday, January 4, 2009

Pinoy Pasko sa Amerika



Naalala ko nong unang-una naming tungtong dito sa America, Disyembre noon at magpa-Pasko. Napakalamig ng simoy ng hangin, amoy mansanas pa kamo! Ganito pala ang amoy stateside, sabi ko sa sarili ko. Amoy ukay-ukay na bagong bukas. Iba din ang "bigat" ng hangin, hirap ipaliwanag pero iba talaga. At feeling mo parang ang linis ng kapaligiran! Walang mausok na tambutso at wala ding milya-milyang traffic. Syempre pa, sa suburbs kasi kami kaya 'di ko naman nakita ang city side na meron ding traffic.

Nakaka-disappoint lang dahil kung panay nagliliwanag na ilaw sa Pinas ang iniwan namin, dito wala. Mangilan ilan ang mga may Christmas lights at maging sa airport ay parang nag cost cutting sa kakapiranggot na Christmas decor. 'Di ko tuloy na feel ang Pasko.

At noong Pasko na mismo, halos wala lang. Ordinaryong araw. Walang nagka caroling na mga bata, walang maiingay na putukan man lang, o kaya'y mga kamag-anak na nagsisitawag. Shet, super lungkot talaga at lalo akong na homesick!

Fast forward ang ilang taon at naging maigi igi ang Pasko. Hayan ang mga kamag-anak na dumalo pa galing sa ibang sulok ng Amerika, ang ilang malalapit na kaibigan at ang paghihintay ng mga anak ko kay Santa Claus. Ang pagsho shopping sa punong-punong mga Malls, at ang pagluto ng Noche Buena kahit ilan lang kaming magsa-salo salo. Nagluluto pa rin ako ng nakagisnang staples ng Noche Buena nung kabataan ko - hamon, pasta o pansit, food for the Gods, at iba pa. Walang queso de bola na pabirito ng Lola ko, pero pwede na din naman. Ang importante sama-sama kami ng pamilya ko. Okay na din ang Pasko ko. Pero wala pa ring makakatalo sa Pasko sa Pinas. Nothing compares talaga.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!