Friday, November 25, 2011

Day After Thanksgiving

Natapos na naman ang isang Thanksgiving. Another excuse to cook, eat, and gather with family and friends. And contemplate about things to be thankful for. I didn't do any of that. I was too busy cooking and cleaning for guests. And then nagsidatingan na ang mga bisita at no time na talaga to think about anything.

Ano nga ba ang mga pasasalamatan ko?
My job - in today's economy, I am so lucky to have one. And ang swerte ko lang kasi okay lahat ng mga kasama ko, 'di masyadong stressful work, at higit sa lahat they accomodate my needs. Sinusuklian ko naman ng sipag at being efficient.

My family - buo kami, di hiwa-hiwalay. Kahit may family drama minsan dahil sa pag e emote minsan ng mga teenagers ko, ok pa din kami. This too shall pass, ang aking mantra pag sobra sobra na ang challenges ng buhay namin.

My husband - he's a good provider. Hindi sya perfect at meron din syang mean moments pero he loves me and my kids and he's doing the best he can to provide us with what we need.

My house - we have a roof above our heads. Hindi namin kailangan mag 2nd mortgage, foreclosure at kung ano pa man. (knock on wood)

Hayan. Now Thanksgiving is complete.

Tuesday, September 6, 2011

Ang Facebook. Bow!

Hindi ako makapaniwalang 2 years na pala ang nakaraan since I last blogged. Grabe, ambilis ng panahon at marami na ang nangyari. Unang una na ay ang pag- sign up ko finally sa Facebook. Oo, kinain ko ang salita ko at nag create ako ng FB account. Eh kasi naman ang hirap hagilapin ng mga kamag anak at ang lagi nilang sagot pag humingi ka ng update sa mga life story nila: check my FB! Ah leche, de gawa ng account na lang! Nung una konti lang "friends" ko. Kasi nga gusto kong i-restrict na family only. Ang kaso natagpuan ako ng isang friend, isang batchmate nang high school, isang kaklase ng college and before you know it, dumami na ang friends ko. Pero ha, let me just say hindi ako addict sa FB. Hindi ako naglalaro ng games at madalang akong mag-check sa trabaho. Not that I'm judging those people who do. I'm just saying. Glad to be back blogging....

Tuesday, September 15, 2009

Facebook, Friendster, Multiply, etc.

Andami na ngayong social networking sites! Di na mabilang at halos kandaduling ka kababasa ng mga updates ng mga "friends" mo. Well, not me but most of my co-workers. Hala, nakatanga na sa Facebook ang mga gaga at loko! Di magkandatuto sa kasasagot sa mga posts, pics at updates ng mga friends nila. Ako, wala akong Facebook account. Eh ni halos di ko na nga mabisita ang Friendster at Multiply account ko, dadagdagan ko pa. Tagal ko na ding hindi nakapag YM. Ewan ko ba, feeling ko napapag iwanan na ako ng panahon.

Isabay pa dito, kase celebrate ko lang ng aking bday. Ayokong imention how old I am. In denial pa beauty ko. Ganito pala pag tumatanda na. Deny deny deny! Deny the wrinkles. Deny the craking bones. Deny the fact that I am forgetting some stuff. Early Alzheimers na kaya? Oh no!

Anyways, ayun. Hindi ko alam kung bakit wala kong facebook account. I guess I'm afraid to get sucked in the whole social networking thing. Not that I am hiding. Kaya lang as it is halos wala na nga akong time for other things. But then who knows, maybe one day invite ko na lang kayo sa FB ko. :D


Thursday, July 30, 2009

Ang TFC

Kapag nasa ibang bansa ka, marami kang mami-miss: pagkain, magandang weather, salitang Tagalog, at sige na nga: mga artistang Pilipino.

Kaya kahit ayaw sana namin magpakabit ng Filipino channel, napilitan na din kami. Kinunsensya pa kamo ako ng mga anak ko na makakatulong daw sa kanilang magsalita ng Tagalog. Kasi marunong nga silang umintindi dahil Tagalog kaming mag-usap sa bahay pero hindi na sila marunong magsalita bukod sa "po", "opo", "ano po yon?" Kaya hige, sya, pakabit na ng Pinoy channel.

Meron lang akong malaking issue sa mga sumusunod na bagay na hindi ko maipaliwanag at kahit sinong tanungin ko ay hindi alam ang sagot:


Bakit sumisigaw ang mga hosts? Ang tataas ng mga boses at talagang parang mga nakalaklak ng Prozac!

Bakit kailangang may mga kumekembot na mga dancers sa background. Kahit anong segment merong kumekembot. Ano yun?

Ano ba ang role ng MTRCB? Bakit kailangang i-focus ang pwet ng mga dancers habang sumasayaw?


teka lang, meron pa pero mag iisip pa ako....

Samantala, someone enlighten me please!!!!


Thursday, July 2, 2009

Summer!


Summer na dito sa America. Dapat mainit na pero medyo cool pa rin pagka bandang umaga. Sarap pa ring bumaluktot at matulog. Kaso gigisingin ka ng alarm clock. Oras na para mag get ready for work. Inat dito, inat doon. Shower ng mabilis at gawa ng kape. Breakfast ng pandesal at Ludy's peanut butter. O di ba? feeling nasa Pinas pa rin ang dating! Pagkatapos hayun: work work work na.

Pero ha? haylab the weather!

Tuwang tuwa ang mga bata. Parang mga nakalabas sa kural! Kesehodang nangingitim na sila ng husto at nasusunog ng araw, laro pa rin sila sa labas. Kunsabagay, a few more months at lalamig na naman. Sige na nga, bring it on!


Tuesday, April 28, 2009

Spring! @$^%&^*&()

Lecheng Spring ito! Todo-todo ang allergies ko! Mugto ang mga mata, panay ang bahing, masakit ang ulo at tulo ang uhog. Heto ang downside ng Spring. Dahil sa naglalabasang pollen galing sa mga trees, flowers at grass, affected ang halos kalahati ng populasyon. At kapag uminom ka ng allergy medication, para kang naka droga. High na high ang lola mo. Feeling aattend ng rock concert ang dating.
Pero what can you do eh kesa naman pupungas pungas ka na parang sisiw na may sipon? Eh di take ka na lang ng gamot and hoping na hindi maka apekto sa buhay mo sa araw-araw.
Oh well, at least alert pa ang senses ko, di ba?

Thursday, April 16, 2009

Spring!



Ang tagal ko nang hindi naka-blog. Feeling ko nung kapanahunan ng Dear Diary. Yung tipong ganito ang entry:
Dear Diary,
  Kumusta ka na? Pasensya ka na, hindi ako nakasulat ng matagal...  as if naman friend ang sinusulatan. As in super guilty ka naman dahil walang bagong entry sa diary mo. Pero that's kind of how I feel now.  Kasi andami kong ginagawa at andaming pangyayari sa buhay kong mas mabilis pang nangyari kesa sa bilis kong mag type. So where do I begin? Eh di sa pinakamadaling topic- let's talk about the weather! Tapos na finally ang winter! Spring na at naglalabasan na ang mga signs of life - flowers blooming, birds chirping kind of thing. Finally! Buhay na naman ang mundo ko!
   So here's where I begin - may buhay na naman. At makulay na naman ang mundo ko! 
Happy Spring!