Wednesday, December 10, 2008

Hay Buhay!

Back to work na ang beauty ko. Which means kelangan ko nang gumising ng maaga, mag-shower kahit super duper lamig at mag-drive sa rush hour traffic. BUT I can't complain. Di nga ba't maraming na-lay off ngayon? Maraming kumpanyang nag downsize, mataas na ang presyo ng mga bilihin at lumalaki na ang mga gastusin. Kaya thankful na rin akong meron akong trabaho. Ipinipikit ko na lang ang pag-gising ng maaga at mamroblema ng susuotin sa inaraw-araw. Hirap ng walang uniform, kelangang pag-isipan kung ano ang wardrobe. Pero gustong-gusto ko din naman ang pumorma. Yun nga lang, I wish walang restrictions. Sa trabaho ko kasi kelangan kumportable ako kasi I'm on my feet the whole day. Hanep, parang saleslady sa SM ang dating!

Malamig na naman dito. Buti na lang may heater sa bahay. At kapag lalabas naman, talo pa ang The Mummy sa kapal ng coat! Napaka-harsh pa naman ng cold air sa skin. Kaya heto, mega pahid ng moisturizers ang beauty ko.

Antagal ko nang hindi nakapag-gym. Pero dahil nga active na ako, 'di naman ako nag ge gain ng weight. I just wish makapag-tone man lang kahit paano. Hayyyyyy!!!!!




Monday, November 24, 2008

Pasko Paksiw

Hay!!! Anubayan at malapit na naman ang kapaskuhan. Araw na naman na malapit akong madepress depressan. Kasi naman andaming mga sad memories ang aking mga Pasko kaya heto, may carry over pa rin hanggang ngayon.
Idagdag pa kamo ang pagiging commercialized na masyado ng Pasko. Pag pumasok ka sa mga malls, hayun, panay Christmas songs ang pinatutugtog to get in the spirit, ika nga. Eh di ikaw naman, mae-engganyong mamili ng pang regalo. Kaching!

Ewan ko ba, hate ko talaga ang Kapaskuhan. Kung hindi nga lang sa mga chikiting gubat ko, tutulugan ko na lang ang Pasko! Kaso sige na nga, at may I celebrate na lang.

Hindi pa ako nakakapaglagay ng Christmas decorations. Traditionally kasi dito sa US of A, after Thanksgiving pa bibili ng Christmas tree at doon pa lamang mag de decorate. Kaya heto, may identity crisis and bahay ko- Thanksgiving ang centerpiece at kitchen towels, may orange leaves at scarecrow sa salas, at naku! may Halloween decor pa pala ako sa front door!

Siguro after Thanksgiving talaga, gagawin ko na. Pramis! 

Tuesday, November 11, 2008

All Souls Day


Tuwing Araw ng mga Patay, nagse-senti ako. Nami-miss ko ang mga barkada ko. Kaya heto, nabulatlat ko ang sulat na ito nung nakaraang taon. 


November 1-2 na naman. Araw ng mga patay dito sa atin sa Pilipinas. Naaalala ko pa nung kapanahunan natin nung college days. Eto yung time na nag iipon-ipon tayo. Nagkikita-kita sa sementeryo. Morbid pero masaya ang araw ng mga patay sa atin. Ano kaya ito - our twisted way of celebrating life? After all, di ba buhay pa din tayo? At kahit nasa kabilang buhay na ang ibang mahal natin sa buhay ay heto pa din tayo at nag-e-enjoy. Celebrating life, ika nga.

Kahit nasa Manila na yung iba, usapan pa din na uuwi tuwing araw ng mga patay. Kasi sem break, take advantage tayo sa bakasyon. Ang mga galing Manila sakay na sa bus. Syempre ang iba daan muna sa Dunkin' Donuts. Wala kasing Dunkin' doon sa Naga kaya bibili muna dun sa may Cubao a may Araneta para may maipasalubong pag-uwi ng Naga. Malamig lamig na non. -ber na kasi kaya naka-jacket o sweater na ang mga tao. Ang cool tingnan ng mga tao, parang galing Baguio. Sarap pumorma!

Pagdating ng Naga andon na magkikita kita - Magsaysay ba o Penafrancia? Hatiin na lang natin ang oras, ganon din ang oras sa pamilya. Obligasyon muna para payagan lumamyerda. Tapos tatambay na sa bahay ng lunch. Ansarap ng buhay non. Ansarap balik-balikan.

Fast forward 20 years or so, eto na tayo. Nasa iba-ibang continent na ang iba. Ewan ko sa inyo, pero ako kahit malayo naaalala ko pa yan. And hanggang ngayon I wish makakauwi ako sa Araw ng mga Patay. 'Yun kasi ang reunion nating mga barkada.
Nong last time akong umuwi ng Naga, na-miss ko ang Naga. 'Yung dating Nagang kilala ko. Iba na kasi ngayon. Oo nga't asenso na pero parang 'di na sya home sa akin. Ang naging home na lang para sa akin 'yung mga tao, 'yung mga barkada ko. Miss ko na kayo lahat. Sana one day, kita-kita ulit tayong lahat na kumpleto. 

Tuesday, October 7, 2008

Fair Weathered Friends

Merong mga kaibigan na lumilitaw lang kung merong kailangan. 'Yong mga tipong you don't hear from them for a long time tapos out of the blue biglang tatawag. Ikaw naman feeling nostalgic at waxing poetic about old times. Tapos bigla kang hihiritan na "oy, bibisita kami dyan sainyo kasi may bakasyon ako". Bigla kang parang binuhusan ng malamig na tubig - nye! Kaya pala!
Pero what can you do? Eh friend ka ngang tinawag. So you manage to muster a "ah ganon ba, sige. Kelan kayo pupunta dito?" And then before you know it inayos mo na schedule mo, nag-iisip ka na ng lilinising kwarto, banyo at bahay. Na-plano mo na ang menu for the whole week/month/s na andito sila. At stressed out na bigla ang beauty mo. Kakaloka!

Hindi naman po ako nagrereklamo. Okay nga at may bisita dahil masaya. May ka-jamming ka at may kasalong kumain. Pwede nyo nang pag-usapan ang ibang mga kaibigan ninyo at balikan ang nakaraan. Reminiscing about old times lang and kahit ilang saglit, feeling nyo high school/college ulit kayo.

Ang problema lang kasi nga itong mga "kaibigan" na ito, you don't hear from them ng pagkatagal-tagal. Ni ho ni ha, wala. Ni hindi man lang masagot ang Christmas card na pinadadala mo tuwing pasko. O mag thank you man lang sa bday cards na may kalakip na gift card para sa anak nila. Ewan ko ba, some people have no manners talaga! 

Thursday, September 25, 2008

Buhay America


Andito ako sa USA. Kasama ang aking pamilya. Nong kadarating lang namin dito, halos mabaliw ako. Walang katulong, walang kapitbahay na pwedeng istorbohin at hiraman ng toyo, at walang mapag-iiwanan ng mga bata kapag gustong manood ng sine o lumamyerda. Ipinangako ko sa sarili kong babalik din ako. To the tune of Gary V's "Babalik ka rin".


Fast forward ang mahigit isang dekada, natuto akong tumayo sa sarili kong paa. Nakaya kong buhayin ang aking mga anak na walang yaya. Natuto akong gawin lahat ng gawaing bahay at naging all-around: yaya, katulong, labandera, driver, accountant, negotiator at asawa. Lahat yon nagampanan ko kahit paano. Hindi perpekto pero okay lang.


Mahal ko pa rin ang aking bansang sinilangan. At sa aking pagtanda, balak kong doon manirahan. Sa ngayon, heto ako. Naninirahan sa bansa ng iba at nakikibagay sa mga naririto. Pero Pinoy na Pinoy ako. Sa isip, salita at gawa.


Sa mga susunod kong posts, magke kwento ako ng tungkol sa buhay naming mga Pinoy dito. Maaaring narinig nyo na. Pero magke kwento pa rin ako. Malay nyo, baka iba naman pala ang version ko.


image credits: www.papemelroti.com


Thursday, September 18, 2008

Bating Panimula

Matagal ko nang gustong magsulat tungkol sa aking buhay. Hindi dahil KSP ako o dahil gusto kong ipangalandakan ang aking buhay sa ibang tao kundi para sa akin. Sabi nga ng isang nabasa ko: mas mura daw ang blog kesa therapy. Eh kasi naman lahat tayo merong kanya-kanyang drama sa buhay, skeletons in our closets ika nga. Maaaring hindi masyadong ma-drama ang buhay ko, feeling ko lang yata. Pero para sa akin importante ang lahat ng pangyayari sa buhay ko. At kung ang aking kwento, ang aking journey through life ay makatulong sa ibang "lost souls" ay okay na ako. Mas maganda kung merong matawa sa jokes ko at maiyak sa mga makabagbag-damdaming posts ko. Feeling ko may saysay ang buhay ko kahit paano. Making a difference in a stranger's life, kumbaga.

Sino nga ba ako? Isa akong babaeng tinatahak ang landas ng buhay. Sinusubukang gawin ang tama at sumunod sa batas. May mga pagkakataong hindi maganda ang mood ko. Lalo na't hindi pa ako nakakapag-kape sa umaga. 

Isa akong Ina. At ibig sabihin nito, bawal ang magkasakit, bawal ang hindi asikasuhin ang pamilya, bawal ang magmukmok sa isang tabi. Kung hindi man, gagawin ko ang mga ito kapag wala ang pamilya ko. At habang andyan sila, kelangan normal ako - maasikaso, mapagmahal, mapagkalinga. Pero tao lang ako, at minsan lumalabas din ang masama sa akin. Sabi ko nga sa mga anak ko - sa bawat tao, merong masama at merong mabuti. Nasa sa atin nang ipanalo ang mabuti at alisin ang masama. 

Isa akong kapati. Meron akong dalawang kapatid na nakababata sa akin. Ako ang pinaka-panganay na anak, apo at pamangkin sa aming angkan. Talk about pressure. Malas lang nila 'di ako drop dead gorgeous. Pero so far naman sabi nila mabait daw ako. Good deal na din naman 'di ba? Sige na nga, okay na ding consolation prize. 

Isa din akong anak. Noong teenager ako meron din akong dinaanang rebellious stage gaya ng lahat ng normal na teenagers. Nagdadabog ako at nakipag-away sa aking mga magulang. Tinumbasan na lang ng limang Our Father, Glory Be at Hail Mary. Pero nung lumaki na ako't magka-isip, friends na kami ng parents ko.

Isa akong kaibigan. At loyal pa kamo ako. Ipaglalaban kita kapag kaibigan kita at alam kong nasa tama ka. Pero pag may mali ka din naman eh sasabihin ko sa 'yo.

Marami akong bagay sa maraming tao. Sinusubukan ko sa abot ng aking makakayang makisama at makibagay depende sa kahalubilo ko. Hindi ako mabuti at hindi din ako masama. Pero tina-try ko sa abot ng aking makakayang maging mabuti. For world peace.

Salamat at andito ka sa aking nuknukan dito sa web. Sana ma-entertain ka, makapulot ng aral, matawa, maiyak o kaya magkaroon man lang ng saysay dito sa araw na ito.