Monday, November 24, 2008

Pasko Paksiw

Hay!!! Anubayan at malapit na naman ang kapaskuhan. Araw na naman na malapit akong madepress depressan. Kasi naman andaming mga sad memories ang aking mga Pasko kaya heto, may carry over pa rin hanggang ngayon.
Idagdag pa kamo ang pagiging commercialized na masyado ng Pasko. Pag pumasok ka sa mga malls, hayun, panay Christmas songs ang pinatutugtog to get in the spirit, ika nga. Eh di ikaw naman, mae-engganyong mamili ng pang regalo. Kaching!

Ewan ko ba, hate ko talaga ang Kapaskuhan. Kung hindi nga lang sa mga chikiting gubat ko, tutulugan ko na lang ang Pasko! Kaso sige na nga, at may I celebrate na lang.

Hindi pa ako nakakapaglagay ng Christmas decorations. Traditionally kasi dito sa US of A, after Thanksgiving pa bibili ng Christmas tree at doon pa lamang mag de decorate. Kaya heto, may identity crisis and bahay ko- Thanksgiving ang centerpiece at kitchen towels, may orange leaves at scarecrow sa salas, at naku! may Halloween decor pa pala ako sa front door!

Siguro after Thanksgiving talaga, gagawin ko na. Pramis! 

Tuesday, November 11, 2008

All Souls Day


Tuwing Araw ng mga Patay, nagse-senti ako. Nami-miss ko ang mga barkada ko. Kaya heto, nabulatlat ko ang sulat na ito nung nakaraang taon. 


November 1-2 na naman. Araw ng mga patay dito sa atin sa Pilipinas. Naaalala ko pa nung kapanahunan natin nung college days. Eto yung time na nag iipon-ipon tayo. Nagkikita-kita sa sementeryo. Morbid pero masaya ang araw ng mga patay sa atin. Ano kaya ito - our twisted way of celebrating life? After all, di ba buhay pa din tayo? At kahit nasa kabilang buhay na ang ibang mahal natin sa buhay ay heto pa din tayo at nag-e-enjoy. Celebrating life, ika nga.

Kahit nasa Manila na yung iba, usapan pa din na uuwi tuwing araw ng mga patay. Kasi sem break, take advantage tayo sa bakasyon. Ang mga galing Manila sakay na sa bus. Syempre ang iba daan muna sa Dunkin' Donuts. Wala kasing Dunkin' doon sa Naga kaya bibili muna dun sa may Cubao a may Araneta para may maipasalubong pag-uwi ng Naga. Malamig lamig na non. -ber na kasi kaya naka-jacket o sweater na ang mga tao. Ang cool tingnan ng mga tao, parang galing Baguio. Sarap pumorma!

Pagdating ng Naga andon na magkikita kita - Magsaysay ba o Penafrancia? Hatiin na lang natin ang oras, ganon din ang oras sa pamilya. Obligasyon muna para payagan lumamyerda. Tapos tatambay na sa bahay ng lunch. Ansarap ng buhay non. Ansarap balik-balikan.

Fast forward 20 years or so, eto na tayo. Nasa iba-ibang continent na ang iba. Ewan ko sa inyo, pero ako kahit malayo naaalala ko pa yan. And hanggang ngayon I wish makakauwi ako sa Araw ng mga Patay. 'Yun kasi ang reunion nating mga barkada.
Nong last time akong umuwi ng Naga, na-miss ko ang Naga. 'Yung dating Nagang kilala ko. Iba na kasi ngayon. Oo nga't asenso na pero parang 'di na sya home sa akin. Ang naging home na lang para sa akin 'yung mga tao, 'yung mga barkada ko. Miss ko na kayo lahat. Sana one day, kita-kita ulit tayong lahat na kumpleto.