Monday, November 24, 2008

Pasko Paksiw

Hay!!! Anubayan at malapit na naman ang kapaskuhan. Araw na naman na malapit akong madepress depressan. Kasi naman andaming mga sad memories ang aking mga Pasko kaya heto, may carry over pa rin hanggang ngayon.
Idagdag pa kamo ang pagiging commercialized na masyado ng Pasko. Pag pumasok ka sa mga malls, hayun, panay Christmas songs ang pinatutugtog to get in the spirit, ika nga. Eh di ikaw naman, mae-engganyong mamili ng pang regalo. Kaching!

Ewan ko ba, hate ko talaga ang Kapaskuhan. Kung hindi nga lang sa mga chikiting gubat ko, tutulugan ko na lang ang Pasko! Kaso sige na nga, at may I celebrate na lang.

Hindi pa ako nakakapaglagay ng Christmas decorations. Traditionally kasi dito sa US of A, after Thanksgiving pa bibili ng Christmas tree at doon pa lamang mag de decorate. Kaya heto, may identity crisis and bahay ko- Thanksgiving ang centerpiece at kitchen towels, may orange leaves at scarecrow sa salas, at naku! may Halloween decor pa pala ako sa front door!

Siguro after Thanksgiving talaga, gagawin ko na. Pramis! 

4 comments:

LOREN said...

Kahit di ko naiintindihan kung bakit sad ang memories ng pasko mo samantalang kasama mo naman kaming mga friends mo lagi noon, eh I will try to understand. heheh.. Pero ang importante ngayon is to make christmas happy for our kids para when they look back, masasabi nilang "wow, I have such a wonderful xmas memories. Thanks to you, mom!" At syempre slang ang pagkasabi nila nyan.

Anonymous said...

dito naman ang tradisyon nila e 23rd ng december ang maglagay ng krismas tri. bitin naman yon, hehe. pero si kengkoy nasanay na, kaya naman pagka alis pa lang ng halloween decors ng november e pasko na sa amin. pero yung krismas tri e mga second week of december pa

Iskabitchy said...

Loren,
Naku hindi naman tuwing magkasama tayo ng mga frends nati. Kundi noon pang mga maliliit kami. Family thing sya, Bes. And kahit anong ganda ng mga sumusunod na pangyayari, like noong tayong magbabarkada na nga, sad pa rin ako pag dadating na ang Pasko. Pero okey lang naman. Nag e enjoy pa din naman at the end of the day.

Kengkay,
Ha? Naku naman eh isang araw lang pala ang buhay ng krismas tri nyo! Buti naman at well-trained mo pala si Kengkoy ano? ;)

Anonymous said...

meri krismas!