Tuesday, April 28, 2009

Spring! @$^%&^*&()

Lecheng Spring ito! Todo-todo ang allergies ko! Mugto ang mga mata, panay ang bahing, masakit ang ulo at tulo ang uhog. Heto ang downside ng Spring. Dahil sa naglalabasang pollen galing sa mga trees, flowers at grass, affected ang halos kalahati ng populasyon. At kapag uminom ka ng allergy medication, para kang naka droga. High na high ang lola mo. Feeling aattend ng rock concert ang dating.
Pero what can you do eh kesa naman pupungas pungas ka na parang sisiw na may sipon? Eh di take ka na lang ng gamot and hoping na hindi maka apekto sa buhay mo sa araw-araw.
Oh well, at least alert pa ang senses ko, di ba?

Thursday, April 16, 2009

Spring!



Ang tagal ko nang hindi naka-blog. Feeling ko nung kapanahunan ng Dear Diary. Yung tipong ganito ang entry:
Dear Diary,
  Kumusta ka na? Pasensya ka na, hindi ako nakasulat ng matagal...  as if naman friend ang sinusulatan. As in super guilty ka naman dahil walang bagong entry sa diary mo. Pero that's kind of how I feel now.  Kasi andami kong ginagawa at andaming pangyayari sa buhay kong mas mabilis pang nangyari kesa sa bilis kong mag type. So where do I begin? Eh di sa pinakamadaling topic- let's talk about the weather! Tapos na finally ang winter! Spring na at naglalabasan na ang mga signs of life - flowers blooming, birds chirping kind of thing. Finally! Buhay na naman ang mundo ko!
   So here's where I begin - may buhay na naman. At makulay na naman ang mundo ko! 
Happy Spring!