Thursday, July 30, 2009

Ang TFC

Kapag nasa ibang bansa ka, marami kang mami-miss: pagkain, magandang weather, salitang Tagalog, at sige na nga: mga artistang Pilipino.

Kaya kahit ayaw sana namin magpakabit ng Filipino channel, napilitan na din kami. Kinunsensya pa kamo ako ng mga anak ko na makakatulong daw sa kanilang magsalita ng Tagalog. Kasi marunong nga silang umintindi dahil Tagalog kaming mag-usap sa bahay pero hindi na sila marunong magsalita bukod sa "po", "opo", "ano po yon?" Kaya hige, sya, pakabit na ng Pinoy channel.

Meron lang akong malaking issue sa mga sumusunod na bagay na hindi ko maipaliwanag at kahit sinong tanungin ko ay hindi alam ang sagot:


Bakit sumisigaw ang mga hosts? Ang tataas ng mga boses at talagang parang mga nakalaklak ng Prozac!

Bakit kailangang may mga kumekembot na mga dancers sa background. Kahit anong segment merong kumekembot. Ano yun?

Ano ba ang role ng MTRCB? Bakit kailangang i-focus ang pwet ng mga dancers habang sumasayaw?


teka lang, meron pa pero mag iisip pa ako....

Samantala, someone enlighten me please!!!!


3 comments:

kengkay said...

hahahaaha - alam mo ba, pareho tayo ng napapansin. tawa na lang ako ng tawa kapag ganyan kasi nababaliw ako e. pero sa totoo lang, wala kaming TFC. pero may koleksyon ako ng mga pambatang tagalog DVDs atsaka mga cassette tapes at mga tagalog songs at yun ang pinagpapraktisan ng mga little kengkays ng tagalog nila. saludo ako sa yo dahil iniencourage mo silang magsalita ng wika natin

LOREN said...

Ewan ko. Basta as far as I remember, panahon pa ni kuya ike parang me kumekembot na talagang puwet kahit simpleng pa-raffle lang.

Iskabitchy said...

Kengkay,
okay din yung style mo. ang importante ipinapaalaala natin sa kanila ang pinanggalingan natin. ;)

Loren,
Ay hehe, remember ko pa si kuya Ike! Pero mas marami yata ngayon. non simple palang pero ngayon all out na, di ba?